may katalastasan ang inyong abang lingkod kaninang pagsapit ng haring araw at napagnilayan namin ng katoto kong ito ang pagkaka-iba ng pananaw ng mga tao ukol sa dalawang tambalan na tila baga ay laging pinagtatagis... hindi ko na babanggitin pa ang mga pangalan dahil natatanto ko na kilala naman natin silang lahat, hindi ba?
sa isang banda,ang magiting na bayani at ang kanyang binibining sinisinta at sinasamba... sa kabilang panig, ang magpaglarong lobo at ang kanyang mapusok na kasiping... katawa-tawa na naghahati ang dalawang kuwento na ito sa isang tauhan..
aming nahihinuha na kaya mas tinatangkilik ang isa kaysa doon sa katunggali ay dahil sawa na ang mga tao sa matatamis sa kasaysayan ng pag-ibig kung saan nagtatagpo ang dalawang kaluluwang naghahanap ng pagmamahal at sa kabila ng lahat ng mga balakid ay nagtatagumpay ang pag-ibig. sa salitang balbal, jologs at laos na ang mga kuwentong ganito...
ang mas tinatangkilik na programa ay iyong maaksyon sa kama, sa gitna ng kadiliman ng gabi kung saan ang buwan at mga tala lamang ang tanglaw at saksi sa makalaman at mainit nilang pagtatagpo... nagmumukha kang nakatataas sa larangan ng talino dahil umiikot ang kuwento sa mga problemang internal at sikolohikal... astig ka dahil mga nakatatanda lamang ang nakauunawa nito at tinatangkilik mo ito!
o, kay dakila!
bakit ko ipinagtatambis ang dalawa? iyon ay dahil sinusubok ko kung mauunawaan ito ng aking dakilang kritikong tagabasa, oo, ikaw, mapanghusgang alakdan ka! lintik lang ang walang ganti kapag nahanap kita... may kutob na ako sa iyo at pangako, malilintikan ka sa akin, o dakilang-kritikong-walang-bahid-dungis-at-nakaaalam-ng-lahat-ng-bagay-na-kinasasangkutan-ng-tatlong-di-umano'y-nag-iibigan!
... napagtatanto ko na napakapurol ng iyong isip batay sa talim ng iyong dila. kung ako'y kakilala mo sa tunay na buhay, harapin mo ako para magkaalaman na tayo... hinahamon kita!
Thursday, August 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
makata ka dude! ka aliw ng blog mo sobra hahahah!
goodluck na lang sa alakdan na yon kapag nakita mo siya >:)
salamat, gloopip...
hindi ko alam na nasasalta ka pala dito...
good luck talaga sa kanya! yayariin ko siya!
me pagka "lurker" kasi ako eh :p
di ko lang mapigilang mag comment dito sa entry mo kasi purong tagalog hehehe
This is why I still want to learn more tagalog; for not being able to write/respond in filipino...though, I understood most of this...all I'm going to say is, "oooo SOMEONE's going to get it, for sure...woo! You go tru_harmony! show that person...whoever...what it's all about!" XD I think...? lol.
Post a Comment