oo, pumupunta ako sa mga lugar na hindi ko dapat puntahan
at kadalasan, nasasaktan ako sa walang patumanggang pag puna nila sa ating diyosa
nais kong makipagtalamitam nang marubdob sa kanila ngunit alam kong sasabihin lang nila na sila'y nanunuya lamang at hindi dapat seryosohin
pero ang totoo'y nakakasakit sila
nakakasakit hindi dahil wala na nga silang ibang ginawa kundi magbanggit nang magbanggit ng mga 'hindi kaakit-akit na katangian ng ating diyosa' ngunit dahil kanilang ipinapakilala ang kanilang mga sarili bilang mga tagasamba ng walang kasing kisig na konsorte ng ating pinakasasamba
ipinapakilala nila ang kanilang pook bilang isang ligtas na lugar upang sumamba
ngunit ako ang magpaparating ng katotohanan sa inyo, mga minamahal na kapatid, and kanilang pakiwaring ito'y kasinungalingan
kasinungalingan marahil dahil mag-isa ko silang hinaharap at wala akong kaagapay na tuyahin ang KANILANG sinasamba
o dahil wala naman talaga akong intensyon na gawin ang gayon
dahil IBA TAYO SA KANILA
ito ay napatunayan ko na ng maraming pagkakataon
di nila namamalayan, sila na ang mga ahas na kinatatakutan ng kanilang sinasambasamba
mga kapatid, wag na ninyong hangaring makarating sa 'langit' na iyon... ang lugar na yon ay impyerno sa atin... doon ko naramdaman na mag-isa ako sa ating pananampalataya at na ang ating paniniwala ang ikapapahamak natin
ginagawa nilang kasinungalingan ang katotohanan at ang di totoo, totoo
gayumpaman, mga kapatid...
NAMAMAYANI ANG ISHIYOSHI
Wednesday, December 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
So Tru, what exactly have you written here?
xD
... i dunno either...
i was in rage, i started speaking in strange tongues
XD
i think i know what you are talking about. this might be too late already and i've learned to control my anger to them by thinking positive. but i'd like to rant in our strange tongues too! =D
hope you don't mind!
una kong minahal ang ating konsorte ng ating dyosa. sa katunayan nauna pa akong nagrehistro sa langit na sinasabi nila at dun nakilala ang mga iba't ibang kapareha nya. at sa lahat ng kapareha nya'y sa ating dyosa ako ay nabighani. ngunit ganun pa man, nirerespeto ko ang kanyang ibang kapareha. Masakit lang mabasa ang kanilang di magagandang komento sa ating dyosa dahil sa gusto nila ay sa pusa na mahilig sa aso ang kapareha ng kanilang sinasamba. Sana lang naisip nila na di porke't un ay lugar ng kanilang sinasamba ay pwede na nilang sabihin ang di nila gusto sa ating dyosa sa halip ay matuto silang pahalagahan ang minamahal at kasama sa trabaho ng kanilang sinasamba. Sa aking pananaw hindi magtatagal sa industriya na ito ang kanilang sinasamba o ang ating dyosa kung di dahil sa kanilang pagiging magkaibigan. Aaminin ko na sa sama ng loob ko sa kanila ay nais ko ring magalit sa ating konsorte lalo na nung mapanood ko ang mga panahon na lagi nyang kinukutya, di pinapansin o sabihin sa national tv na di nya gusto makasama o maging kasintahan ang ating dyosa. Ngunit di ko rin kayang gawin dahil sa bukod sa hinahangaan ko rin sya ay mahal din sya ng ating dyosa. Kaya sana lang ay suportahan nila kung sino ang kasama ng kanilang sinasamba gaya ng pagsuporta natin sa kanilang sinasamba upang tumagal sila sa propesyon nilang napili. Yung lang at world peace!
Whoaaa... i wasn't able to rant that in english. Coz i don't want to hurt the feelings of others. Rock n roll sin! Ganbatte!
Post a Comment